Esoteric

RSS
Nov 7

Restore Factory Settings

Ang galing kong magpanggap na hindi ako nasasaktan sa tuwing sinasabi mong mahal mo ako pero gusto mo siya. Hindi ko alam kung paano ko nasisikmurang tumingin sa’yo habang paulit-ulit lang sa isip ko na mahal mo ako. Pero gusto mo siya. Alam kong hindi tayo. Wala akong karapatang masaktan. Pero andito na ‘to eh. Mahal kita. Mahal mo ako. Pero gusto mo siya. Ang tanga-tanga ko. Pakyu pre sinisira mo ang buhay ko. Pero ok lang. Kasi mahal mo ako. At mahal na mahal pa rin kita. Kahit na gusto mo siya.